One day sa isang Financial seminar na pinuntahan ko, itinuro nila yung importance ng pagkakaroon ng emergency fund.Ito yung pondo na dapat meron tayo just in case something happens na di natin inaasahan like may kailangan isugod sa ospital, kailangan ipaayos na bubong, nawalan ka bigla ng trabaho, etc.Dito mo kukunin yung pera para di na magagalaw yung savings mo or yung budget mo sa isang buwan/kinsenas.
Immediately after the seminar, bigla ko narealize, oo nga tama sila..I MUST do something to have this type of fund.
So habang nasa bus ako pauwi, nag isip ako ano ba yung mga pwede ko igive up na mga bagay para makapag save ako at least 20 pesos a day.
At ito ang isishare ko....Sana makatulong sa inyo in 1 way or the other.
For 8 years na nagwowork ako sa Ortigas, eto yung daily route ko:
Una, sasakay ako ng jeep mula sa street namin hangang Buendia which is about 1 kilometer away.So ang pamasahe ay 8:00.
Then sasakay ako ng bus going to SM megamall.Ang pamasahe naman ay 21 pesos.Pagbaba ko, maglalakad ako ng mga 1 kilometer goig to the office, halos pareho na distansya mula sa street namin hanggang Buendia.Same route pauwi.
So naisip ko na maglakad mula sa street namin hanggang opisina para makaipon....(joke lang)
Kidding aside, It made me realize one thing---- since naglalakad naman me from Mega mall to the office, bakit hindi ko rin lakarin mula sa street namin hangang Buendia and vice versa then itabi ko yung dapat pamasahe ko araw araw.Anyway 10 minutes na lakad lang naman.makakaipon na ako for my emergency fund and at the same time exercise ko na din.In other words, I am hitting 2 birds in 1 stone.
To cut the story short, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.Sinimulan ko agad kinabukasan.So yung 16 pesos na dapat sana pamasahe ko, ginawa kong 20 pesos a day at tinatabi ko lang yun....NEVER kong binawasan yun as part of my discipline.To make it 7 days a week, pag payday ko, nilalagyan ko siya ng at least 40 pesos to compensate yung 2 araw ko na rest day( Sometimes I put 100 pesos).
Eto yung exciting part.After a year, nakita ko SOBRANG effective.Nakaipon ako almost 8k, JUST SAVING 20 PESOS A DAY.
So nag level up ako, nagisip ako ng way para gawin ko siya 40 pesos a day ng hindi nababawasan yung budget ko sa isang kinsenas.So umiral ang pagiging business minded ko.
Nag isip ako ng pwede ko ibenta sa office gamit yung kaunting halaga mula sa emergency fund ko.So I ended up selling peanuts and cornick sa mga officemates ko and ok naman kinalabasan.So patuloy ko pa din ginagawa yung 20 pesos a day at yung pagbebenta so patuloy na lumalago yung pera for my emergency fund.
So bakit ko shinare to sa inyo?
Friends I would like you to realize na hindi dahilan yung kulang ang sweldo para makaipon. All you need is DETERMINATION AND THE COMMITMENT to save..PERIOD!
Let us do the math:
20.00 x 30 days = 600 pesos
600.00 x 12 months = 7,200 pesos
So ang tanong ko ngayon sayo, ano yung mga bagay na pwede mo igive up? Sa tingin mo 20 pesos lang kaya mo isave isang araw? I doubt it.
Kung mahal mo ang pamilya mo o gusto mo mabago ang takbo ng buhay mo, you MUST do something TODAY.
Stop making excuses. Do something positive.Sorround yourself with the right people na talagang makakatulong sa yo.
Ngayon I am challenging you.Kaya mo bang gawin ang mga to for your family and loved ones:
>Can you Quit smoking, save your health and save the money instead?
> kaya mo ba magbaon ng pagkain sa opisina instead of spending 60 to 100 pesos everyday?
> Kaya mo bang maglakad ng short distance instead of taking a jeep or taxi?
> Kaya mo bang limitahan pagbili ng starbucks, pearl shake, soft drinks and be health concsiouns by drinking more water as replacement?
> Kaya mo bang magisip ng mga bagay na pinagkakagastusan mo araw araw na hindi naman importante na pwede mo igive up?
> At higit sa lahat, kaya mo bang gamitin ang spare time mo sa mga bagay na kapakipakinabang at pwede mong imonitize o kumita ng extra kaysa paggala sa mall, dvd marathon, spending hours in facebook na unproductive?
Friends lahat ng ito ay ikaw lang ang makakasagot.
At the end of the day, you are responsible for your own actions.
KUng ano ang kalagayan mo 10 years from now ay depende sa mga aksyon na gagawin mo ngayon.
Kung gusto mo maging kayod kalabaw pa din 10 years from now, then DO NOT MAKE ACTIONS TODAY!
Kung gusto mong sabihin sa anak mo 10 years from now na "anak di ka na magtutuloy sa kolehiyo kasi di kita kayang pagaralin pa", then tuloy mo lang yung nakasanayan mo.
If you ask prosperity from God, He answers it buy giving you the right people and the best opportunities...It is all up to you how you respond!!
Sana po nakatulong sa inyo!
I an not an expert financial adviser.In fact I only know a little. I can only share something I learned from experience and from the knowledge that I have acquired through continous learning,
PLEASE DON'T FORGET TO SHARE THIS BLOG AND PUT A COMMENT BELOW.
If you have questions or any help about saving and investing please feel free to text or call me at 09331935796.
email me at : michaedllanes@gmail.com
Planning your dream house?